Thursday, July 12, 2012

Sining ng Pakikipagtalastasan


Naniniwala ka ba na “Ang storyang pag-ibig ay hind laging maganda ang katapusan” sa totoo lang hindi naman talaga ako naniniwala sa ganitong klaseng kadramahan. Ang corny kaya! Hindi naman totoo yang pag-ibig na yan e. Ewan ko ba bakit may mga taong nahuhumaling sa pakiramdam na yan. May nagpapakamatay pa nga dahil diyan, ang babaw nila nabuhay nga sila na wala yung taong yun dati pero bakit nung iniwan sila ang drama-drama nila.
Unang araw ng klase. Katulad ng nakagawian kailangan pumasok bago dumating ang guro. Nakakapanibago lalo na sa katulad kong bagong lipat lang. ayoko naman talagang lumipat ng bahay ngunit dahil nasa puder pa ako ng mga magulang ko ay wala akong magagawa kundi ang sumunod sa mga pinapagawa nila. Kakainis pa yung guro sinabi na hindi daw ako kabilang sa klase niya. Nagpabalik-balik tuloy ako pero sa huli sa kanya din naman ako bumagsak.
Ang nakatabi ko ay halos puro bagong lipat din kaya hindi naman ako nahirapang kausapin sila. Habang lumilipas ang mga araw may naging kaibigan ako. Isang simpleng lalaki na halos hindi mo makausap. Yung tipong kailangan ng sobrang daldal na katabi para lang magsalita siya. Sobrang iba talaga niya sa mga taong nakilala ko. Nung una nga akala ko hindi talaga siya pwede kausapin pero simula ang maging magkatabi na kami sobrang napalapit na ako sa kanya.
Naging matalik ko daw siyang kaibigan sabi niya sa mga magulang niya ng makilala ko ang mga ito. Mas nakilala ko pa siya. Ibang-iba pala siya sa ugaling akala ko ay siya. Isang araw ay nagtapat siya ng pag-ibig sa akin. Nung narinig ko yun ay pinagtawanan ko pa siya. “Seryoso ka?” sabi ko. “Oo! Bakit bawal ba? Masama ba?” tugon naman niya. “Teka! Teka! Hinayhinay lang! Hindi naman bawal at lalong hindi masama pero bakit?” ani ko. “Ewan ko! Basta isang araw naramdaman ko na lang. Itatago ko naman sana kaya lang sobrang nahihirapan na ko!” naluluha niyang sabi. Ako naman sobrang nagpanic ikaw ba naman makakita ng lalaking umiiyak. Siya kaya yung kauna-unahang lalaking nakita ko na sobrang namumula ang mata. “Pwede bang manligaw?” tanong niya. “Huh? Ano? Seryoso ka?” gulat na tanong ko. “Oo! Ano ba sa palagay mo?” seryosong sagot naman niya. “Sige pero hindi ako sigurado kung sasagutin kita” sabi ko na dahilan para mapangiti siya.
Lumipas ang mga araw at nagsimula na siyang manligaw. Sobrang nagulat nga ako, seryoso pala talaga siya! Akala ko nagbibiro lang at magsasawa din kapag nagtagal pero hindi habang tumatagal mas nakikitaan ko siya ng efforts. Makalipas ang halos anim na buwan na panliligaw naisipan kong sagutin na siya. Nag-usap kami na magkikita at kakain sa labas tutal may ibabalita rin naman daw siya. Sobrang Habang kumakain ay sinimulan ko na ang usapan, sobrang nag-uumapaw kasi ang aking puso. “Ano yung sasabihin mo?” simula ko. “Yun? Naalala mo ba yung sinasabi ko sayo na plan nila mama na lumipat kami sa America? Matutuloy na siya! Tatapusin ko lang itong school year!” malungkot niyang sabi. Hindi ko napansin nag-uunahan nang tumulo ang mga luha sa king mata. Ang sakit pala! Sobra! Mula nang sinabi niya yun parang gusto ko na lang na biglang mawala! Sana pala hindi ko na lang hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Sana pala hindi ko na lang sinanay ang sarili ko na lagi siyang nandyan. At higit sa lahat sana pala hindi ko na lang siya hinayaan na ipakita kung gaano niya ako kamahal. “ Wag kang umiyak. Babalik naman ko para sayo e.” sabi niya habang yakap-yakap ako.
Sa sobrang bilis ng panahon hindi ko namanlayan umalis na sila. Wala naman kasi akong pwedeng gawin. “Babalikan niya ako” ang pangakong binitiwan niya bago kami magkahiwalay. Pagkatapos nun natakot na ulit akong magmahal. Iniwasan ko na maging malapit sa kahit sinong lalaki. Ayoko na kasi ulit maramdaman yung sakit na naranasan ko noon. Madaming nagbago lalo na sakin. Naging  madalang na ang aming komumikasyon hanggang isang araw nabalitaan ko na alang na patay na raw siya. Umiiyak ako ng labis ng mabalitaan ko ito. Sobrang nagsisi talaga ako kasi hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya kamahal. Buti na lang may taong hadang makinig sa sama ng loob ko nun kahit sobrang gabi na. hindi pa din niya ako iniwan. Nagalit pa nga ako sa kanya kasi ang daya niya! Sabi niya hindi niya ako iiwan, sabi niya antayin ko lang siya, sabi niya hindi niya ako iiwan sa ere pero bakit ganun? Iniwan niya ako. Mas masakit ito kaysa sa nung sinabi niya nalilipat sila. Dun ko lang napagtanto na wala na—huli na para magsisisi. Hindi na naman siya ulit mabubuhay kapag sinabi kong mahal ko siya. Hindi ko na naman siya maibabalik kahit anong gawin ko.
Hindi hihinto ang mundo kapag tumigil ka! Hindi ka aantayin nyan, ikaw ang mawawalan kapag pinili mo na huminto sa pagtakbo sa buhay. Tandaan natin na laging nasa huli ang pagsisisi at kung minsan wala na tayong magagawa para baguhin yun. Wag natin baliwalain ang mga tao na sobrang nagpapahalaga satin. Sulitin natin ang bawat oras at panahon na meron tayo para iparamdam kung gaano tayo nagpapasalamat na naging bahagi sila ng buhay natin.