"sana bata na lang ulit ako, para kapag umalis yung taong mahalaga sakin may yayakap sakin agad at magpapagaan ng loob ko habang tinitignan ang paglayo niya sakin at pagpagod na kong umiyak, makakalimutan kong wala na siya"
sa sobrang gulo ng isip ko ngayon, hindi ko na alam kung ano pang dapat isipin..
ok lang sana kung kaya kong ipagsigawan sa mundo kung ano yung nararamdaman ko kaya lang hindi pwede at ayokong gawin!!
madalas nakatingin ako sa kawalan at walng iniisip, pwede ba yun?? oo pwede yun, ganun nga ko..
grabe!! parang baliw na nga ako eh.
madaming paraan para maging masaya pero kapag naiisip ko sila--siya.
nasasaktan pa din ako :(
sabi ko sa mga taong laging umiiyak sakin: "palayain mo na! oo nga napapasaya ka nyan pero kapag mas madalas na nasasaktan at umiiyak ka, tama na! madami pang nagmamahal sayo"
pero nung naranasan ko toh, ang hrap pala talagang mag LET GO!
kapg nakikita ko siya at naaalala kung gaano ko siya pinapahalagahan wala akong ibang magawa kundi malungkot o madalas ay umiyak!
haayy, sana ganun lang kadaling kalimutan ang taong nagturo sayo ng maraming bagay :|
kaya ko toh!!
ay mali!!
KAKAYANIN KO ITO!
sawa na akong msaktan at umasa sa mga bagay na alam ko naman na kahit kailan hindi ako pinahalagahan!