Wednesday, February 06, 2013

Realization..

Nung Linggo. Magkasama kami ni Atche.
Dahil sobrang late na kami para sa service napagdesisyunan namin na sumakay na sa jeep.
Ako sa sobrang puyat ay humilig sa balikat ni Atche.. Naka-earphones ako nun tapos yung song "wala nang hahanapin pa" at kasabay nun ang tugtog ng jeep dahil Montalban na jeep yun as in super lakas ng tugtog.

tapos.. biglang sinabi sakin ni Lord na katulad ng sitwasyon ko ng mga oras na yun ang pagiging laban ng pagiging Kristyano. Something like this:

Imagine how loud your cellphone player would be when your in the jeep. take not it isn't sound proof!
Dba minsan mas pipiliin mo na lang patayin yung player mo kasi bukod sa sayang yung battery ng cellphone mo feeling mo wala na din yung silbi kasi nga hindi mo na marinig dahil sa sobrang lakas ng tutog sa jeep lalo na't alam mo na naman rin at madaling sabayan yung kanta nun.

As Christians, it true that its really hard to walk on Lord's way.
Sabi nga nila mas focus ang kaaway sa mga alagad ng Diyos sapagkat ang mga makamundong tao ay sa kanya na! Hindi na sya mahihirapang pasunurin ang mga yun samantalang ang mga naniniwala sa Panginoon ay mas nacchallenge siya kasi bonggang-bonggang temtasyon ang kailangan niyang gawin.

Madaling sumunod sa pattern ng mundong ito.
Mas madaling magkasala kaysa ang umilag sa kasalanan at lalong mas madaling pakinggan ang tunog ng munso kaysa sa boses ng Diyos.

Pero TANDAAN!! Ang mundong ito ay tinatawag na "fallen world" ang lahat ng narito ay hindi totoo at puro kasinungalingan lamang. Tayo'y nililinlang lamang kaaway sa lahat ng paraan para maagaw sa Panginoon.

Madalas kasi nakatuon lamang tao sa bagyo ng buhay at gusto nating salubungin at harapin ito mag-isa.. nakakalimutan na natin na may mga taong handang tumulong satin at may isang Diyos na bago pa man magkaroon ng problema ay nasulusyonan na nya.

Kaya lang tayo kasi eh...
Masyado tayong emotional akala mo ikaw lang ang may problema!
Umaarte tayo na akala mo tayo lang ang nasasaktan..
Na aping-api tayo!
Na akala mo lagi kang nag-iisa!!!

STOP THAT DRAMA!
Madalas we ought to remember that God never leave our side..
kahit na pinagtutulakan natin siya..
kahit na nakakalimutan natin siya..
kahit na puro hingi lang ang alam natin..
kahit na hindi tayo marunong magpasalamat at humingi ng tawad..
kahit na WE TAKE HIM FOR GRANTED!

How can we hear his voice if we refuse to listen?
How can we see his miracle if were too busy?
How can we feel his love if we build wall from him?

Nasasaatin ang problema!
Wag nating sisihin ang Diyos na walang ginawa kundi tulungan tayo, patawarin, samahan at lalong lalo na ang mahalin tayo ng walang hinihinging kapalit!

WAKE UP!!!
God doesn't want you to feel alone and hurt..

Just trust Him WHATEVER HAPPENS on your life.
Wala kang maappreciate kung puro masasayng bagay ang nararanasan mo.
Hindi mo makikitaa kung sino ang tunay na nagmamahal sayo kung hindi ka masasaktan.

He is always in control!
WAG MO SIYANG PANGUNAHAN!
Hindi pa siya tapos nagrreklamo ka na!!
He knows what best for you wag kang mapirme sa tira-tira!!!

Mas magiging madali ang lahat kung marunong tayong magtiwala sa Dakilang Lumikha at hindi tayo maliligaw kung  makinig sa kanyang tinig!